NAGA CITY-Nakumpiska ang nasa ₱200,000 na halaga ng ilegal na droga sa Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si alyas Dominic, 56 taong gulang, residente ng Zone 6 Barangay San Francisco, ng nabanggit siyudad.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Provincial Police Office, inaresto aniya ang suspek matapos ang isang buy-bust operation kung saan nakumpiska dito ang isang pirasong medium heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, at tatlo pang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

Lahat ng nakumpiska ay may kabuuan aniyang bigat na 12 grams at nagkakahalaga ng ₱200,000.

Sa ngayon, dinala na ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya laban dito sa Iriga City Police Station para sa karampatang disposisyon.

Top