NAGA CITY – Aabot na sa 1.2 million na mga residente sa China ang apektado ng pagbaha.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Sherna Ismael mula sa Beijing, sa nasabing bansa, sinabi nito na ang naturang pagbaha ay dulot ng pagkasira ng dam sa Zhengzhou sa lalawigan ng Henan.
Aniya, ito ay dahil an rin sa tatlong araw na walang humpay na pag-uulan sa nasabing lugar.
Kung maaalala, una nang naiulat ang pagkasawi ng 12 katao dahil sa insidente.
Ngunit ayon pa kay Ismael, umabot na umano sa 25 ang binabawian ng buhay at may mga naiuulat na rin aniya na mga nawawala dahil sa naturang pagbaha.
Dagdag pa nito, ang nasabing pangyayari umano ay pinakauna sa historya ng China.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang search and retrieval operations ng mga otoridad.