NAGA CITY- Umabot sa 1.3 milyon katao ang dumating sa lungsod ng Naga para sa isinagawang Fluvial Procession noong nakaraang Sabado, Setyembre 16, 2023.

Sa pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na mas marami aniya na mga perigrino at deboto ang pumunta sa lungsod ng Naga upang makiisa sa Peñafrancia Festival at iba pang mga aktibidad kaugnay dito.

Ayon kay Legacion, sa kabila ng pagdagsa ng mga tao nakayang i-manage ng mabuti ng City Government dahil na rin aniya sa pagtutulongan ng iba’t-ibang mga ahensiya tulad ng PNP, Army, PSO, Coast Guard, BFP, Kabalikat Civicom at iba pang civic and volunteer organizations.

Sa pangkabuuhan, sa kabila ng nairehistrong minor na insidente tulad nang nangyaring road crash, naging matagumpay, tahimik at umiiral ang solemnidad para sa isang linggong selebrasyon ng Peñafrancia Fiesta.

Sa ngayon ay pinasalamat na lang ni Legacion ang lahat na tao, grupo,organisasyon at iba pa na naging susi upang muling idaraos ng maganda at peaceful ang nasabing aktibidad.