NAGA CITY- Target ng bansang Rwanda na isailalaim sa swab testing bawat araw ang nasa 1, 500 na bilang ng mga mamamayan dahil pa rin sa Coronavirus Disease (COVID-19) bago alisin ang ipinapatupad na lockdown.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Grace Sinoy, sinabi nitong isinasailalim sa swab testing ng pamahalaan sa nasabing bansa ang 1,500 katao randomly.
Aniya, ito ay upang malaman kung saang lugar ang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na sakit.
Ayon pa kay Sinoy, magkakaroon ng mass testing sa mga bundok na bahagi ng lugar upang masiguro na wala ditong positibo sa naturang sakit.
Dagdag pa nito, ito ay isasagawa bago alisin ang ipinapatupad na lockdown.
Samantala, kumukuha na rin ng mga permit ang mga estblisyimento na talagang gusto ng magbukas at magsimula ng kanilang trabaho at negosyo.
Sa ngayon, dalawang linggo na aniya ang nakalipas ng ipatupad ang extended lockdown sa lugar hanggang Abril 30 kung saan hindi pa nasisiguro kung penal ng matatapos ang lockdown o ito ay muling palalawigin pa.