NAGA CITY- Tutol ang isang Filipino lawyer sa Estados Unidos sa naging pagbasura ng Supreme Court sa Abortion Rights Bill sa naturang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Eduardo Lopez, isang abogado sa California, USA, sinabi nito katulad niya at ang aabot sa 60% ng mga Amerikano ang dismayado sa naging ruling na ginawa ng US Supreme Court kung kaya naging dahilan naman ito sa malawakang kilos protesta sa nasambing bansa sa mga nakaraang araw.
Ayon kay Lopez, ilan sa mga dahilan ng pagtutol ng mga protesters ang pinangangambahan na mabago ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT Community.
Gayundin, karaniwan na maapektuhan sa pag-ban ng abortion ang mga naghihirap na pamilya.
Napag-alaman na hindi na magbibigay ng pondo ang federal government sa mga states na dating nagseserbisyo ng abortion.
Dagdag pa ni Lopez, isa sa problema ng pag-ban ng abortion ang hindi pagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihang nabiktima nang incest at rape dahil ito ay tinatanggap lamang na eligible para sa abortion ang mga nanay na namemeligro ang buhay.
Binigyan diin pa ng abogado na politika umano ang naging dahilan sa pagkakabasura ng abortion rights sa US kun kaya pwedeng matatagalan pa na mareinstate ang naturang batas oras na majority ng nasa justice system ng estado ang halos lahat ay liberalista.
Sa ngayon, inaasahan na magpapatuloy ang mga isinasagawng kilos protesta sa naturang bansa.