NAGA CITY- Kasabay ng paghahanda ng lungsod ng Naga para sa mga bagong patakaran para sa General Community Quarantine (GCQ), isa na namang kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod.

Sa report ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol ang naturang bagong kaso sa Naga City ang ika 39 kaso sa Bicol, isang 43-anyos na babae, asymptomatic at ipinasailalim sa swab testing noong Abril 27, 2020.

Ang naturang pasyente ang na-admit sa Bicol Medical Center (BMC) habang isa ito sa mga health worker na nakaassign sa COVID ward ng naturang ospital.

Samantala, nagnegatibo na rin ang resulta ng test sa Bicol #16 na mula sa Calauag, Naga City.

Kung maaalala, una nang nag-apela ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa Inter-Agency Task Force na manatili na mula ang lugar sa Enhanced Community Quarantine dahil hindi pa ito handa para sa GCQ.