NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos na mabangga ng motorsiklo sa Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gina Demanarig, 57-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. Sta Justina sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid sa kalsada ang biktima ng mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Dennis Catangui, 33-anyos, habang sakay nito si Melanie Coryana, 28-anyos, parehas residente ng Brgy. De La Fe, sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit ideklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa kontra dit