NAGA CITY- Nahaharap sa kaso ang isang konsehal matapos ireklamo dahil sa sexual harassment sa Tayabas City.

Kinilala ang suspek na si Dino Marquez Romero, 51-anyos, residente ng Lovely Village, Brgy. Wakas, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na nakatanggap ng reklamo an Tayabas City Police Office mula sa hindi na pinangalanan na biktima na isang 22-anyos laban sa nasabing suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga awtoridad, nabatid na hinipuan ni Romero anng nasabing biktima.

Sa ngayon, nagpapadagos pa ang isinasagawang imbestigasyon kan mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente habang hinahanda naman ang kasong Acts of Lasciviousness and Sexual Harassment laban sa nasabing konsehal.Top