NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang construction worker matapos na magpatiwakal sa Zone 3, Barangay La Purisima, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Froilan Soliman, 23-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na mismong ang pinsan ng biktima na si Jayson Pastoral, 43-anyos ang nakakita kay Froilan na nakabigti na sa loob ng kanilang bahay.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.