NAGA CITY – Arestado ang isang drug personality matapos ang isinagawang buybust operation sa Zone 6, Brgy. Lourdes Young, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Sumido alyas Mark, 32-anyos, residente ng Barangay 650, 11 Street, Port Area, Manila.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na naaktuhan ng mga awtoridad ang suspek na nagbebenta ng iligal na droga matapos na makabili ang pulis na nagpanggap bilang posuer buyer ng isang heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu sa suspek na may street value na nasa P16,000.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, narekober pa sa suspek ang limang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P16,000 bilang buy-bust money.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.