1 drug personality patay matapos mauwi sa armed confrontation ang buybust ops sa CamSur
NAGA CITY- Patay ang isang drug personality matapos na mauwi sa armed confrontation ang buy bust operation sa Zone 1, Barangay Sta. Elena, Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jesus Astibe, 53-anyos, residente ng Zone 6, Barangay Sta Lucia, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na dati ng naaresto ang suspek dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa lungsod ng Naga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na matapos makipagpalitan ng pera at items ang suspek sa nagpanggap na posuer buyer nang mapansin nito na pulis na pala ang kanyang katransaksyon, kung kaya agad itong bumunot ng baril at agad na pinaputukan ang mga pulis.
Dahil dito, gumanti rin ng putok an mga pulis na naging dahilan upang magtamo ng tama ng bala ng baril ang suspek na agad naman na dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, narekober ng mga otoridad sa suspek ang 9mm na baril na kargado ng bala, isang unit ng digital scale, mga personal na gamit, apat na pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at iba pang mga drug paraphernalia.
NAGA CITY- Patay ang isang drug personality matapos na mauwi sa armed confrontation ang buy bust operation sa Zone 1, Barangay Sta. Elena, Nabua Camarines Sur.