NAGA CITY- Makapigil-hininga ang naranasan ng isang Filipino woker matapos itong tutukan baril ng Taliban.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Mark Suela, tubong Pagsanjan, Samar at labing isang buwan ng nagtatrabaho bilang K9 handler sa isang British contractor, sinabi nito na dahil sa tumitinding tensyon sa bansa, nagpasya ang employer ng kanilang kompanya na lumikas na.

Aniya, kasabay ng kanilang paglikas ang kabilang mga putok ng baril at mga Afghans na nais ring lisanin na ang Afghanistan.

Kaugnay nito, habang papunta na si Suela kasama ang iba pang mga local workers sa paliparan, dito na sila sinabayan ng mga Taliban, pinaglakad at pinaghintay pa ng tatlong oras.

Ngunit, nalagay sa alanganin ang buhay ni Suela nang bigla itong tutukan ng baril ng isang Taliban dahilan para hindi na ito agad makakibo.

Mabilis namang inalis sa kaniya ang baril ngunit ramdam pa rin nito ang takot at napawi lamang noong tuluyan nang makapasok sa british military air base.

Samantala, sinabi pa ni Suela na hindi biro ang sitwasyon ng mga Filipino worker sa Afghanistan kung saan hindi na nito nanaisin pang bumalik sa bansa habang naroon pa ang mga Taliban.Top