NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang habal-habal driver matapos pagbabarilin sa Sitio Calotan, Barangay Bahay, Caramoan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Francis Zantua, 37-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Louie Ordoñes, OIC, Chief of Police kan Caramoan Municipal Police Station, sinabi nito na tumawag na lamang sa kanilang himpilan an Kapitan ng Barangay Malabog hinggil sa nakitang wala ng buhay na katawan ng biktima.

Ayon kay Ordoñes, nakita na nagtamo ng isang tama ng baril si Zantua ngunit hindi pa batid kung anong klaseng kalibre ng baril ang ginamit ng suspek.

Sa iniyal naman na imbestigasyon, pinaniniwalaang marami ang nagiging kaalitan si Zantua na isa naman sa nakikitang anggulo ng mga awtoridad sa pambabaril ng suspek.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang katawan ng biktima para isailalim sa otopsiya.

Sa ngayon, patuloy pa ang pag-alam sa motibo sa krimen gayundin ang pagtunton sa nakatakas na suspek para sa posibleng pagkakadakip nito.