BOMBO NAGA- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hatchery technician matapos magpatiwakal sa Barangay Rizal, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Renato Marbida, 54-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na bago an insidente, nakitapa ang biktima na naglalakad malapit sa bahay nito.

Ngunit, bandang alas-7 ng umaga nang makita ng wala ng buhay habang nakabitay sa wood purlin ng kanilang bahay.

Samantala, ayon sa mga kapamilya nito, nabatid na nakakaranas ng depresyon ang naturang biktima at pinaniniwalaan na ito ang dahilan upang kitilin nito ang sariling buhay.