NAGA CITY- Patay ang isang barangay barangay health worker matapos na pagsasaksakin ng sariling anak sa Brgy. Maunlad, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Panaglima, 60-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Gumaca Municipal Police Station hinggil sa nasabing insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nang makita ng suspek na si Jowell Panaglima, 34-anyos, ang kanyang ina sa hindi malaman na dahilan bigla na lamang nitong pinagsasaksak sa dibdib ang biktima.

Agad naman na dinala sa ospital si Evelyn ngunit idineklara din na dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad an suspek para sa kaukulang disposisyon.