Naga City- Narekober ng mga awtoridad ang isang high explosive sa Olaño Compound, Bayawas St., Barangay Abella, Naga City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nakita ni Maria Cecilia Abania, 33-anyos, sa likod ng kanilang bakuran ang isang Empty High Explosive.
Agad naman nitong dinala ang nasabing bomba sa Barangay Hall ng nasabing lugar.
Nabatid na ang nasabing Empty high explosive ay naidentified bilang demilitarized na Cartridge 81mm.
Agad itong itinurn over sa City Explosive and Canine Unit sa kaukulang disposisyon.