NAGA CITY- Patuloy pang pinaghahanap ang presong na nakatakas habang nasa nasa kostodiya ng dalawang pulis sa Goa, Camarines Sur.

Kinilala ito na si Marcel Marcial, 24-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLT Col James Ronatay, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sinabi nito na ililipat sana ang nasabing preso sa BJMP, Tigaon, Camarines Sur.

Habang naghihintay umano ng sasakyan ang preso at dalawang police escort na sila PSSg Juveenall D Remorozo at PSSg Jordan D Baduria, ng humiling ang suspek na kakargahin nito ang kanyang anak bago siya ilipat ng kulungan.

Dahil dito, tinangal ni Baduria ang posas ng suspek ngunit pagkatapos maibalik ang bata sa ina, mabiis itong tumakas.

Una rito, napag alaman na nahuli si Marcial sa kasong illegal possession of fire arms.

Sa ngayon magkakaroon umano ng imbestigasyon sa naturang pangyayari.