NAGA CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos na pagbababarilin sa Magarao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodel Elvira, 50-anyos ng Sto Tomas at Rolando Concepcion, 62-anyos ng Bell sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang isang Jetro Mark Luna 26-anyos at ang suspek na kinilala naman na si Jeck sa bahay ni Concepcion ng biglang magkaroon ng mainit na argumento ang suspek at si Elvira.

Dahil dito, bumunot ng baril ang suspek at agad nitong binaril ang mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala ng baril si Elvira sa ulo na nagin dahilan ng agaran nitong kamatayan habang tinamaan naman sa may parteng leeg si Concepcion habang maswerte naman na nakatakas si Luna.

Nabatid din na agad nakatakas ang uspek matapos ang naturang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad at ang paghahanap sa suspek.