NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Joel Villanueva, 51-anyos, residente ng Maria Cristina Village, Barangay Masalukot 1, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang nakaupo sa loob ng kanyang bahay si Villanueva ng dumating ang armadong suspek na si Jeffery Capanggada at bigla na lamang binaril ang biktima.
Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na agad namang dinala sa ospital ngunit ideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Kaugnay nito, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired bullet ng hindi pa malaman na kalibre ng baril.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang pagtugis sa nakatakas na suspek na agad naman na tumakas matapos isagawa ang nasabing krimen.