NAGA CITY – Nailigtas ng mga awtoridad ang isang mangingisda habang pinaghahanap ang isa pa matapos na tumaob ang sinasakya nitong motorboat sa lungsod ng Tayabas.

Kinilala ang survivor na si Gerry Salazar, 41-anyos habang ang missing person naman ang kinilalang si Alias Allan Cingco.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang sakay ang mga biktima sa kanilang mga bangka nang aksidente itong tumaob dahil sa masamang lagay ng panahon at malalaking alon.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng Tayabas City Police Office at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa nasabing lugar ngunit naging mahirap umano ang paghahanap sa isa pang mangingisda.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.