NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay 8 Poblacion General Luna Quezon.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Platino, 49-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nagunong impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang naghahanda sa pagpapalaot ang biktima nang bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dahil sa insidente, nagtamo ng seryosong tama sa kaniyang katawan ang biktima dahilan nang agara nitong kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga awtoridad, nabatid na nakasuot ng jacket at bonnet ang suspek.

Samantala, narekober sa lugar ang apat na bala ng Cal 45 pistol.

Sa ngayon, padagos pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundi ang posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa nasabing suspek.