NAGA CITY- Patay ang isang miyembro ng NPA matapos ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Sitio Castilla, Barangay Napolidan, Lupi, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9ID, Philippine Army, nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang 9th Infantry Battalion (9IB) hinggil sa presensiya ng mga pinaniniwalaang rebeldeng grupo sa lugar kung kaya agad na nagsawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan.
Dito na nakasagupa ng tropa ang nasa 15 miyembro ng makakaliwang grupo sa nasabing lugar.
Matapos ang sagupaan, nag-iwan ng isang casualty sa hanay ng mga rebeldeng grupo ngunit agad naman na nakatakas ang mga kasamahan ng hindi pa pinangalanang miyembro ng rebeldeng grupo.
Kaugnay nito, narekober pa ng mga sundalo ang isang M16 rifle at apat na pampasabog.
Samantala, wala namang naitalang nasugatan sa hanay ng mga sundalo dahil sa insidente.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang kampanya ng Philippine Army laban sa insurhensiya.Top