NAGA CITY- Arestado ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na iligal na magpaputok ng baril sa Zone 3, Greenland, Barangay Concepcion Pequeña, sa lungsod ng Naga.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Lacrua Jr., 33-anyos, residente ng Binobong, Pili, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na nakatanggap ng reklamo ang mga awtoridad mula sa isang Ricardo Hubilla, 49-anyos, hinggil sa naturang insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagpaputok ng baril ang suspek, kung saan narekober pa ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang caliber 38 na baril, apat na live ammunition, dalawang empty shell at isang slug.
Sa ngayon, isinailalim naman sa mediko legal ang suspek habang hinahanda naman ang kasong isasampa laban dito.