NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver matapos aksidenteng mabundol ng isang freezer van ang sarong motorsiklo sa Maharlika Highway and Rolando Andaya Highway Junction, Brgy. Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ian Sherwin Zapata, 44-anyos, residente ng Brgy. Tara, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang binabagtas ng freezer van na minamaneho ng suspek na si Paulo Barbacena, 31-anyos, residente ng Pinamaniquian, Ligao City, Albay ang pababang bahagi ng kan naturang kalsad ng aksidente itong mawalan ng brake.

Dahil dito, nabundol nito ang motorsiklo na na minamaneho ni Zapata na naging dahilan para sumadsad sa riprap na bahagi ng kalsada ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng seryosong mga sugat ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang inaresto ng mga otoridad si Barbacena ngunit nakipag-areglo na lamang ang pamilya ng biktima kung kaya agad namang nakalaya ang naturang suspek.