NAGA CITY- Patay ang driver ng isang motorsilo matapos mabangga ng isang closed van sa kahabaan ng aharlika Highway Purok 1, Zone B, Barangay Exciban, Barangay Camambugan, Labo Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Lordson Bugtong, 30-anyos residente ng Barangay Macogon, sa nsabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPP0), nabatid na habang binabaybay ng driver ng closed van na kinilalang si Randy Pasalo, 37-anyos, ang kahabaan ng nasabing kalsada nang makasalubong nito ang motorsiklong minamaneho ni Bugtong.

Napansin ni Pasalo na inokupa ni Bugtong ang linyang tinatahak nito kung kaya sinubukan nitong iwasan ang motorsilo sa pamamagitan ng paglipat sa kabilang linya.

Subalit, bigla namang bumalik sa dating linya ang motorsiklo dahilan para magkasalpukan ang daalwang sasakyan.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima habang maswerte namang walang sugat ang driver ng closed van.

Sinubukan namang dalhin sa ospital si Bugtong para sa atensiyong medikal ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.