NAGA CITY – Patay ang isang negosyante habang sugatan naman ang isa pa matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. San Nicolas, Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Darwin Go at ang sugatan naman na si Marlon Hapa, 42-anyos, residente ng nasabing lungsod.

Ayon kay PLT. Bella Cereno, ang tagapagsalita ng Iriga Municipal Police Station, sinabi nito habang pauwi na ang nasabing mga biktima sakay sa isang motorsiklo nang harangin ito ng mga armadong suspek at dito na ang mga ito biglaang pinagbabaril.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang mga biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Idineklarang dead on arrival ngmga doktor si Go habang patuloy naman na ginagamot ospital si Hapa.

Samanlatala, nilinaw ni Cereno na hindi election related ang nasabing insidente.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek na responsable sa nasabing krimen.