NAGA CITY- Bagama’t nasa ilalim na ng General Community Quarantine, muling nakapagtala ng COVID-19 confirmed case ang lalawigan ng Camarines Sur.
Sa inilabas na impormasyon ng Department of Health Center for Health Development (DOH)-Bicol, napag-alaman na ito ay isang 23-anyos na babae mula sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur.
Ayon dito, komunsulta ang naturang pasyente sa Bicol Medical Center (BMC) noong Mayo 5, 2020 kung saan nabatid na ito ay asymptomatic.
Sa ngayon, inaalam pa ang history of exposure nito.
Advertisement
Samantala, ang naturang pasyente ang 51st confirmed case sa Bicol region.
Advertisement