NAGA CITY- Patay ang isang ksapi ng New People’s Army matapos ang sagupaan laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Barangay Salvacion, Ragay, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9th Infantry Battalion, Philippine Army, nabatid na binawian nin buhay ang isa sa mga miembro ng NPA matapos makasagupa ng mga awtoridad ang aaabot sa 10 miembro ng rebeldeng grupo habang nagsasagawa ito ng security operation sa lugar.
Samantala, nagtagal naman ng 30 minuto ang sagupaan ng dalawang panig na nagresulta naman upang marekober ang dalawang M16 rifle at bandolier sa posisyon ng namatay na NPA.
Mababatid na noong Disyembre 10, narekober ng mga tropa ng pamahalaan ang tatlong molotov bombs, apat na detonators, dalawang cellphones, tatlong jungle packs, terroristic propaganda materials at personal na pagmamay-ari ng mga rebeldeng grupo sa Del Gallego, CamSur.
Kaugnay nito, una nang sinabi ni BGen. Jaime Abawag Jr, Brigade Commander of 902nd Infantry Brigade na mas papaigtingin nila ang seguridad sa lalawigan lalo na ngayon na holiday season laban sa mga terorista.