NAGA CITY– Patuloy ngayong inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang miembro ng New People’s Army na napatay sa bakbakan ng
mga rebelde at militar sa Barangay Submakin, bayan ng Labo, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Jose Aceret, Executive Officer ng 96th Infantry Batallion, Philippine Army, sinabi nitong, una na silang
nakatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa lugar kaugnay ng umano’y presensya ng mga rebelde sa naturang komunidad.
Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang kasundaluhan na nauwi sa engkwentro.
Ayon kay Aceret, tumagal ng halos 40 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan tinatayang nasa 15 mga rebelde ang
nakabakbakan ng tropa ng pamahalaan.
Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang rebelde habang isang sundalo naman ang nasugatan ngunit nasa mabuting kalagayan na.
Kung maaalala, noong isang linggo lamang ng isang engkwentro rin ang naitala sa bayan ng Jose Panganiban sa parehong lalawigan.