NAGA CITY- Patay ang isa katao habang sugatan naman ang asawa nito matapos maipit ng bumagsak na dingding ng bahay sa Brgy. San Vicente Silangan, Catanauan Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Lourdes Ariola Quinto, 62-anyos at Melencio Perlas Quinto, 66-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ambo sa nasabing lalawigan, nasa loob lamang sana ng kanilang bahay ang dalawa ng biglang bumigay ang dingding ng bahay.

Naipit nito ang dalawa na agad namang isinugod sa ospital.

Dahil sa malalang tama na tinamo ni Lourdes, binawian ito ng buhay habang nagpapagaling pa ang asawa nito.