NAGA CITY-Patay ang isang motorista habang sugatan naman ang isang pedicab driver sa nangyaring banggaan ng isang pedicab at motorsiklo sa Pasacao Camarines Sur.

Kinilala ang driver ng pedicab na si Reynaldo Nuñez, 57-anyos at ang driver naman ng motorsiklo na si Rene Miranda Embuscado, 46-anyos, mga
residente ng nasabing ugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt Ma Victoria Abalaing hepe ng Pasacao PNP, sinasabing aksidenting nabangga ng sinasakyang
motorsiklo ni Embuscado ang likod na bahagi ng pedicab ni Nuñez kung saan pareho silang nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Ayon kay Abaling, pinaniniwalaang lasing si Embuscado dahilan upang matamaan nito ang pedicab.

Kaugnay nito, nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa na agad naman itinakbo sa Bicol Medical Center sa Naga City

ngunit binawian parin ng buhay ang motorista.