NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal habang sugatan naman ang dalawa pa matapos ang karambola ng 4 na sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLT Augusto Manila, ang Chief of Police ng Labo MPS, sinabi nito batay umano sa imbestigasyon, sinubukang mag overtake ng driver nang isang van sa nasa unahan nitong sasakyan ng aksidenteng makabangga sa kasalubong nitong dump truck.
Ayon sa opisyal, nawalan ng espasyo ang van ng mag-overtake ito na naging dahilan upang masagi pa ang isang sasakyan.
Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang driver ng van magin ang pahinante at driver ng truck.
Kaagad naman na dinala sa ospital ang mga nabangggit na indibudwal para sa asistensiya medikal ngunit sa kasamaang palad binawian rin ng buhay ang driver ng van.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng opisyal na walang kinalaman ang lagay ng panahon sa aksidente dahil fair weaether naman ang kanilang nararanasa sa kasalukuyan.
Sa ngayon, inabisuhan na lamang ni Manila ang publiko na patuloy na maging responsable sa pagmamaneho upang makaiwas sa kahalintulad na aksidente.