NAGA CITY – Patay ang isang katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos na makasabit ang ibinababa ng mga itong truck sa wire ng kuryente sa Sta. Elena, Camarines Sur.

Sinasabing nakuryente ang mga biktima ng makasabit ang truck sa nasabing wire na nagresulta sa agarang pagkamatay ng isa sa mga ito.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima habang nagpapatuloy namana ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Antabayanan ang iba pang detalye sa Bombo Radyo Naga.