NAGA CITY- Patay ang isang babae habang sugatan naman ang tatlo pang persona matapos na mabundol ng isang jeep ang isang tricycle sa Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na isang pinaniniwalaang homeless ang namatay na babae dahil sa insidente.

Habang kinilala naman ang driver ng tricycle at ng jeep na si Nestor Giron, 25-anyos at Armando Ramos 43-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na tinatahak ni Giron ang Quezon Ave. papunta sa direksyon ng city proper ng ito ay mabundol ng jeep na minamaneho ni Ramos.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang driver at ang pasaherong sakay ng tricycle na kinilalang si Mike Garcia Portuguez, 22-anyos.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.