NAGA CITY- Patay ang isang persona matapos na mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Domingo Sanchez, 45-anyos, residente ng naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na galing sa inuman ang biktima at habang pauwi na ng bigla na lamang itong sumemplang dahil sa buhangin na nakakalat sa kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa kaniyang ulo at iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.