NAGA CITY- Isang empleyado ng Naga City Hall ang nagpositibo sa ginawang mandatory drug testing.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Frank Mendoza, City Administrator ng lungsod, sinabi nitong isinagawa ang drug test sa mahigit 340 empleyado noon pang Agosto.
Ayon kay Mendoza, sasailalim pa umano ang nasabing nagpositibo sa confirmatory test, na kung mapatuayan ay maaaring masuspinde o matanggal sa trabaho.
Dagdag pa nito, asahan pa umano ang mangilan- ngilan pang surprise drug test sa iba’t- ibang ahensya sa ciudad.
Panawagan man ng opsiyal, na sumunod na lamang umano sa regulasyon, gawin ang tama at ayusin ang trabaho.