NAGA CITY- Patay ang isang pulis matapos magkasalpukan ang dalawang kotse sa Barangay Pinit, Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si PSSg Bernard Picaso, 35-anyos, residente ng Barangay Hibago sa nasabing bayan at nakadestino sa Tigaon Municipal Police Station.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada nang masalpukan nito ang kasalubong nitong kotse na minamaneho naman ni Fe Castro, 65-anyos kasama si Epifannio Regondola, 69-anyos.

Dahil sa nasabing insidente, kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang biktima at ang dalawang senior citizen.

Agad namang dinala sa ospital ang nasabing mga indibidwal ngunit hindi na uminabot nang buhay ang pulis.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.