NAGA CITY- Natupok ng apoy ang tindahan ng nipa sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay F03 Arvin Penida, Fire Investigator ng BFP-Pili, nabatid na nadamay pa sa naturang sunog ang isang residential house at isang vulcanizing shop.

Ayong kay Penida, nagsimula ang sunog sa naturang tindahan ng nipa na pawang gawa sa light materials.

Dahil dito, mabilis na kumalat ang apoy kung saan nadamay nga ang dalawang establisyemento,

Samantala, pinaniniwalaan na ang paggamit ng kahoy sa pagluluto ang pinagmulan ng naturang sunog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na sa pagtukoy sa kabuuang pinsala dahil sa naturang sunog.