NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang menor de edad matapos malunod sa Quipo River, Sitio Cocoma, Brgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na 1-year-old and 5 months, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nasa labas ang biktima at narinig na lamang na umiiyak kung saan nakita na lamang ito na nahulog sa nasabing ilog na agad namang nakuha ng mga tao sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na agad naman sanang dinala sa ospital ang naturang biktima, ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.