NAGA CITY- Nasa 10 personnel na ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bicol ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa BFP-Bicol, napag-alaman na sa naturang bilang, 7 ang mula sa Albay kung saan naka-admit sa Bicol regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City ang isa sa mga positibo sa sakit, dalawa ang naka-quarantine sa Fire Station at dalawa rin ang nananatili sa Quarantine Facility sa Ligao habang ang dalawa pa ay naka-self quarantine.
Samantala, nabatid din na tatlo ang naitala sa Camarines Sur at napag-alaman na asymptomatic ang isa sa mga ito. Kung saan, kasalukuyan naman na nasa pangangalaga ng Provincial Incident Management Team (IMT) ang dalawang pasyente, habang naka-quarantine naman ang isa pa kasama ang kaniyang pamilya sa bayan ng Bula, Camarines Sur.
Samantala, napag-alaman naman na kasalukuyan ng mayroong limang active cases sa hanay ng BFP.