NAGA CITY- Kasalukuyang iniimbestigahan narin Department of Health -Bicol ang posibleng rason ng pagpositibo sa COVID-19 ng tatlong itinuturing na vulnerable people sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.
Ito’y matapos mag positibo ang dalawang senior citizen at isang 10 buwang gulang na sangol na kalaunay binawian rin ng buhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Calabanga Mayor Ed Severo, sinabi nito na hindi pa nila malaman ang rason kung paanong nahawa sa nakakamatay na sakit ang nasabing mga indibidwal.
Una rito, nabatid na una ng na-confine ang sanggol sa isang ospital at kalauna’y binawian ng buhay.
Pinayagan umanong i-uwi na ito ng mga magulang sa kabila ng mga ipinakitang sintomas ng COVID-19.
Kung saan ayon kay Severo, dinala pa ang nasabing sangol sa purinarya, ngunit dahil sa kanilang agam-agam ay nakipag-ugnayan narin ang mga ito sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) para isailalim ito sa swab testing.
Kaugnay nito dito na napag-alaman na positibo pala sa COVID-19 ang nasabing sanggol.
Sa ngayon agad namang isinailalim sa home quarantine ang mga magulang ng sanggol kasama narin ang dalawang naging close contact nito sa purinarya.
Samantala, sa kabilang daku ay kasalukuyan ring naka-isolate ang dalawang senior citizen na nagpositibo rin sa COVID-19 sa nasabing bayan.