NAGA CITY- Sugatan ang nasa 10 katao matapos na mawalan ng kontrol sa pinagmamanehong van ang driver at makabangga sa concrete barrier ng isang tulay sa Maharlika Highway Brgy. Calumpang, Tayabas City, Quezon.
Kinilala ang mga sugatan na sila Eumar Ledesma, 50-anyos, residente ng Purok 1 Brgy. La Granja La Carlota City Negros Occidental; Breselda B Martizano, 50-anyos, residente ng Malixi Tagbina Surigao Del Sur; Rodrigo Martizano, 53-anyos, residente ng Agusan Del Sur Surigao; Emily Yobos, 46-anyos, residente ng Agusan Del Norte Surigao; Roderick Magtuloy Gagui, 46-anyos, residente ng San Fernando Pampanga; Jovelyn Ones Corido, 41-anyos, residente ng 257 Calle Vicedo, Inocencio City of Trece Martires Cavite; Marjorie Murio Etabag, 38-anyos, residente ng Purok 3, Gamaon District Mangagoy Surigao; Rolando Hulpa Cañon Jr., 39-anyos, residente ng Bulman Naboc; Jenalyn Oribe Ones, 34-anyos, residente ng Brgy. Lapidario, Trece Martires Cavite; at isang menor de edad na lalaki na residente ng Ugoban Tagbina, Surigao.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabaybay ng van ang kahabaan ng nasabing lugar ng mawalan ng kontrol ang driver at makabangga ito sa concrete barrier ng isang tulay sa lugar.
Dahil sa pangyayari nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na agad ring dinala sa ospital para sa asistensya medikal.
Sa ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital ang nasabing mga biktima.