NAGA CITY- Inaasahan ang magkakasunod na kilos-protesta sa Hongkong mula ngayong araw hanggang sa Setyembre16, 2019.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong bagama’t nagdesisyon na si Chief Executive Carrie Lam na i-withdraw ang
extradition bill, ngunit hindi pa aniya ito magiging dahilan pa matigil na ang mga protesta sa bansa.
Ayon kay Sadiosa, mula ngayong araw hanggang sa Setyembre 16, dadalhin ng mga raliyista ang kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng hongkong.
Kaugnay niyo, nagpalabas na aniya ang Philippine Consulate ng listahan ng mga apektadong lugar para sa mga overseas filipino workers para
maiwasan na madamay sa naturang portesta.
Dagdag pa ni Sadiosa, naninindigan kasi ang mga tao na kailangang tugunan ng pamahalaan ang apat pang natitirang demand gaya ngpag-
imbestiga sa mga pang-aabuso ng kapulisan, pagbibigay tutlong sa mga bitkima ng mga kilos protesta, pagpapalaya sa mga prolitical prisoners at ang
pagresign ng mga mattaas na ipisyal na naging ndahilan ng naturang kaguugan.