Binawian ng buhay ang 11 katao at mahigit 60 ang nawawala matapos ang paglubog ng bangkang sinakyan nila sa karagatang bahagi ng Italy.

Batay sa paunang report, sa nasabing mga nawawala, 26 dito ay mga bata kung saan mayroong 51 katao ang nailigtas.

Habang ipinasakamay na sa Italian coastguard ang mga nailigtas na migrants.

Ayon sa U.N. refugee agency UNHCR, International Organization for Migration at U.N. children’s agency UNICEF na ang bangka ay galing sa Libya na ang mga migrants ay pawang galing sa Syria, Egypt, Pakistan at Bangladesh.