NAGA CITY – Nasa pangangalaga na ngayon ng mga militar ang 11 miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos sumuko ang mga ito sa kampo ng mga militar sa Calauag Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 2nd Infantry Division, Philippine Army, napag-alaman na sumuko ang mga rebelde sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon ng mga militar sa mga ito.
Sa binitiwang pahayag ni Colonel Norwyn Romeo Tolentino,Commander ng 201st Infantry Brigade, sinabi nitong pinili ng mga nasabing rebele na sumuko na lamang dahil na rin umano sa pagkakaaresto at pagkamatay ng kanilang mga kinikilalang mga leader nang nakaraang taon.
Samantala ayon naman kay Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander of the Philippine Army’s 2nd Infantry Division,
kahit nakafocus ngayon ang kanilang grupo sa pagtulong sa mga biktima ng Bulkang Taal, patuloy pa rin ang kanilang kampanya upang mahuli ang mga terrorista sa nasabing lugar.
Sa ngayon ang mga nasabing rebel returnee ay ipapasok sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program kung saan makakatanggap sila ng ibat-ibang tulong mula sa gobyerno.Top