NAGA CITY- Tinatayang aabot sa 11 na mga pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng groupo ang sumuko sa 902nd Infantry Brigade, Philippine Army sa Bicol region.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Division Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatid na kasabay ng kanilang pagsuko ang mga grand rifles, isang bandolier at iba’t ibang uri ng bala.
Isasailalim umano sa validation at sa government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang nasabing mga inibidwal.
Kaugnay nito, kinilala naman ni Col. Jaime Abawag Jr., Brigade Commander of the 902nd Brigade ang ginawang desisyon ng nabanggit na pinaghihinahalang miyembro ng mga rebeldeng groupo.
Kun maaalala, buwan ng Enero nang sumuko ang 22 na regular CTG members sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate dala ang nasa 21 high powered firearms at isang low powered firearm.
Samantala, anim naman an nairehistrong sumuko noong buwan ng Pebrero sa lalawigan ng Camarines Sur dala ang limang armas.