NAGA CITY- Sugatan ang 11 katao matapos ang salpukan ng jeep at kotse sa Barangay Tumbaga, Sariaya, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Magdaleno Manalo, 65-anyos, driver ng jeep at ang mga pasahero nito na sina Soternina Ponio, 68-anyos; Yolanda Agos, 66-anyos; Romulo Den Ramos, 63-anyos; Fedi Den Ramos, 60-anyos; Norlito Bautista 60-anyos; Maria Bella Beñiga, 57-anyos; Felicidad Daylo, 50-anyos; Angelica Madaitan, 30-anyos; Earl John Fajarda, 30-anyos at ang driver ng kotse na kinilalang si Chino Dev Mandani, 25-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na galing sa Barangay Talaan Aplaya ang pampasaherong jeep at papunta sana sa Brgy Sampaloc 2 mantang ang kotse ay galing naman sa kabilang direksiyon papunta sa San Narciso, Quezon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing lumihis ng daan ang kotse nang nasa bahagi na ito ng Barangay Tumbaga kung saan dito na nito nabangga ang kasalubong na jeep.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kaniyang katawan ang driver ng jeep at ang lahat ng pasahero nito gayundin ang driver ng kotse.
Kaagad namang itinakbo sa ospital ang mga sugatan para malapatan ng lunas.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente.