NAGA CITY- Nabenipisyuhan ng isinagawang feeding program ang mga bata sa Brgy. San Roque, Calabanga, Camarines Sur.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Titzer Tots Delos Santos, sponsor, sinabi nito na nasa 115 na mga bata ang nakinabang sa nasabing programa.

Aniya, nilapitan ito ng barangay kapitan sa nasabing barangay hinggil sa programa upang mabigyan rin ang mga bata ng kanilang barangay.

Samantala, nais din ni Delos Santos na tumulong sa Day care Center sa bayan upang magkaroon ito ng mga materyales.

Dapat kasi aniyang na maging handa ang mga bata sa paaralan.