Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang eroplano sa Missouri, Estados Unidos, noong Linggo.
Ayon sa Missouri State Highway Patrol, nangyari ang insidente malapit sa Butler Memorial Airport sa lungsod ng Butler.
Batay sa paunang ulat ng mga awtoridad, walang nakaligtas sa aksidente. Kabilang sa mga nasawi ang 11 skydivers at ang piloto ng eroplano.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak.
Advertisement
Ang Butler ay nasa humigit-kumulang 60 milya timog ng Kansas City, Missouri.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang mga kaukulang ahensya sa mga pamilya ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Advertisement








