Iniulat ni Iranian UN Ambassador Amir Saeid Iravani na umabot sa 1,332 Iranian civilians ang nasawi at libo-libong iba pa ang nasugatan sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Iran, Israel, at Estados Unidos, habang nagpapatuloy ang alegasyon ng pag-target sa mga sibilyan.
Iginiit niya na sinadya umano ng US at Israel na atakihin ang civilian infrastructure, samantalang Iran ay nakatuon lamang sa military targets.
Aniya, “Our initial assessment indicate that some of these incidents may have resulted from the interceptions or interference by the United States defense system, which could have diverted from intended military targets.”
Nagdeklara rin si Iravani na hindi tinatarget ng Iran ang interes ng mga kalapit na bansa at patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng pag-atake sa non-military sites.
Samantala, idiniin ni US President Donald Trump ang “unconditional surrender” ng Iran at iginiit na ang bagong supreme leader ng bansa ay dapat na “acceptable,” kasunod ng pagkamatay ni Ayatollah Ali Khamenei sa unang araw ng digmaan. Tinawag ni Iravani ang pahayag na ito bilang “clear violation of the principles of non interference in the internal affairs of states, as enshrined in the Charter of the United Nations.”
Aniya, “The selection of Iran’s leadership will take place strictly in accordance with our constitutional procedures and solely by the will of the Iranian people without any foreign interference.”
Samantala, iniulat ng Iranian president na may ilang bansa na nagsimula ng mediation efforts, isa sa mga unang senyales ng posibleng diplomatikong hakbang upang wakasan ang labanan.
Dalawang opisyal ng US ang nagsabi sa Reuters na kasalukuyang iniimbestigahan kung ang US forces ang responsable sa diumano’y pag-atake sa isang Iranian girls’ school na ikinamatay ng maraming bata, ngunit wala pang pinal na konklusyon.














